Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Selos ba si Julia? Gerald todo alaga kay Ivana sa taping

0 142

Para kay Ivana Alawi, chill lang ang showbiz career niya, na hindi naman super busy o superstar level, pero bonggang-bongga pa rin.

“I feel very blessed na nabibigyan ako ng mga opportunity na ganito. For them to trust me, malaking bagay talaga,” sabi ni Ivana.

Anyway, hindi nga nagdalawang isip si Ivana na tanggapin ang teleserye ng Kapamilya channel na ‘Family Affair’?

“Nag-yes agad ako, because ang ABS-CBN ang gumawa. Talagang world class sila. Hindi ako nadadala sa itsura ko, o sa story, kasi alam natin pang-world class talaga sila!” sey pa niya.

Anyway, apat na lalake ang araw-araw niyang nakakasama sa taping, at probinsya pa ‘yon, ha! Pero, kanino ba siya mas naging close kina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, Jason Blake?

“Lahat kami close. Hindi lang isang tao. Kasi pag nagti-taping kami, grupo kami, lagi kaming magkasama. Kahit sa mga photos, magkakasama kami. Lahat sila close ko talaga,” sabi ni Ivana.

Pero, paano ba niya idi-describe ang mga lalakeng nabanggit?

“Very professional si Gerald, pero sobrang bait din at very maalaga sa co-stars niya, sa lahat naman.

“Actually lahat naman sila maalaga.

“Si Sam very mapagbirro, very welcoming. Gusto niya kumportable ka. Gagawin niya lahat para mapatawa ka.

“Sina Jake at Jason pareho silang mabait. Para ko silang mga kapatid!

“Pero ‘yun nga, sobran bait talaga nilang lahat, lalo na si Gerald. Siya kasi ang madalas kong kaeksena. Na-touch ako sa kanya, kasi sobrang maalaga siya.

“May scene ako na tumatakbo na nakapaa, siya mismo ang nagwawalis ng dadaanan ko. Nakaka-touch talaga. Sobrang bait niya.

“Sabi ni Gerald, ‘ha tatakbo ka, wala kang tsinelas?’ Although nawalis na nila, pero kinuha pa rin niya ang walis, nagwalis siya.

“Si Sam, nung naramdaman niya na nahihirapan ako, hindi ako makaarte, tumulong talaga siya.

“Tinatanong ako lagi ni Sam kung ano ang maitutulong niya. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga tatay namin, na nawala nga pareho. So, nakakatulong `yon para maka-acting kami,” sabi na lang ni Ivana.

Well, ang bait naman ng dyowa ni Julia Barretto, ha! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.