Una sa Balita

Selfie ni Zia super trending

0 1,083

abante-paistaran-dondon-serminoIsa na namang achievement ang na-unlock ng anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia dahil sa selfie nitong ginawa. Huli ito sa akto sa napanood na Instagram story ni Yan nang minsan niya itong in-upload.

Napaka-cute ni Zia at talaga namang lumalaki na ito.

Ang ganda-ganda ni Zia sa video na ‘yon na nagsi-selfie. Kaya hindi kataka-takang super trending ‘yon, at inaabangan na nila ang mga susunod na selfie ni Zia, ha!

Samantala bukod kay Zia, inaabangan din ng mga viewer ang nakakatuwang episode ng Amazing Earth ni Dong tuwing Linggo ng gabi dahil sa mga feature nito tungkol sa tagong ganda ng mundo.

In fact, isa nga ito sa pinakapinanood last week dahil sa pinakita nitong ganda ng Paoay sa Ilocos at ilang disyerto sa Nevada. Ano pa kayang susunod na itatampok niya? Aba­ngan ‘yan!

Michael V iniyakan ang mga hugot ni Winnie The Pooh

Ibinahagi ng Kapuso comedy genius na si Michael V. ang paghanga sa pelikulang Christopher Robin na isa sa mga paborito niyang Disney film.

Kuwento ng Kapuso star, ilan lang ang pelikulang kinagiliwan niya at isa ito sa pasok sa kanyang listahan.

Sa caption niya sa kanyang Instagram post, sinabi ng aktor na sigurado raw siyang magugustuhan din ng mga viewer ang istorya nito.

“Nasapul na naman ako ng matindi! Hindi naman s’ya malalim pero nakailang iyak ako throughout the movie. Andaming hugot lines ni Pooh! Kids and parents will enjoy it for different reasons. Go see it this weekend with your family. Tapos subukan n’yong pigilan na magpabili ng Winnie The Pooh doll ang mga anak (o ang mga sarili) n’yo. Thanks @disneyphilippines for yet another wonderful experience!”

Ito yata ang mga inspirasyong ginagamit ni Bitoy sa kanyang mga palabas sa GMA na Bubble Gang at Pepito Manaloto na pa­tuloy na namamayagpag sa TV rating dahil sa kakaibang mga segments at istoryang ipinakikita nito every Friday at Saturday.

Kaya naman no wonder na top-rating ang kanyang mga programa at talaga hindi pinapalampas ng mga kanyang avid fan at Kapuso viewer.

EA nagpainit sa tag-ulan

Iba rin itong The Stepdaughters star na si Edgar Allan Guzman ha, at talagang nagpasabog ng kaseksihan sa inupload niyang dance cover sa kanyang Instagram. Pinakitaan ni EA ang kanyang mga follower ng kanyang swabeng dance moves at nagpakilig ng maraming fan dahil sa kanyang sexy paandar online.

Naki-join din ang ilang mga Kapuso stars sa pag-comment dahil sa bilib nila sa aktor. Minsan lang ipakita ni EA ang galing niya sa dance floor kaya naman humiling ang iba na dalasan niya ang pag-post ng ganito.