Una sa Balita

‘SELFIE’ CONTEST SA LRT: P5K ANG PREMYO

By
0 72

Naglunsad ng Pamaskong pakulo ang pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) para sa mga masusuwerteng mga pasahero ng LRT Line 1 ngayong Christmas season.

Ayon kay Rochelle Gamboa, head ng Corporate Communications ng LRMC, magbibigay sila ng libreng ‘BEEP’ card na may lamang P5,000 kada linggo sa masu­werteng mapipiling pasa­hero.

Dapat lamang tumugon ang mga kalahok sa kanilang mechanics na pagse-selfie sa loob ng tinaguriang Christmas Train na dinisenyuhan ng temang Pamasko na may mga parol at iba pang Christmas décor.

Aniya, bawat kada linggo ay dalawang pasa­hero ang kanilang kukunin na mananalo na bibigyan ng nasabing beep card na naglalaman ng P5,000.

Pagkatapos na mag-selfie ay kailangan na i-upload ito sa Facebook, Instagram at Twitter gamit ang #paskuhan sa LRT line 1.

Sinabi pa ni Gamboa na nagsimula ang kanilang pakulo noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 8.

Magugunita nitong nakaraang linggo ay bumulaga sa mga pasahero ang ilang tren na tinaguriang Christmas train na may mga dekorasyon tulad ng parol, Christmas lights at marami pang iba.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy