Una sa Balita

Selena tuluyan nang binasura si Bieber

0 309

By Athena Yap

Kumpleto na ang hakbang sa pagmu-move on ni Selena Gomez mula sa ex-boyfriend niyang si Justin Bieber. Ito ay dahil napansin ng mga fan na binura na ng aktres ang huling litrato na in-upload niya para kay Justin.

Matatandaang nagbahagi pa ang Hollywood star ng picture last year para sa birthday ng ex-boyfriend na may nakalagay pang polaroid film na may laman na litrato ni Justin sa kanyang mukha habang nakaturo siya roon at may caption na “March 1, 1994 someone I know that happens to be super cool was born. Boom!”

Well, ngayon wala na ito sa Instagram ni Selena kung hahalungkatin ito sa kanyang feed.

Bukod pa sa may asawa’t anak na si Bieber, ito na nga siguro talaga ang hudyat na hindi na talaga magkakabalikan pa ang dalawa. Sad truth pero kailangang tanggapin ng mga fan.

Marami nga ang nag-react sa pangyayaring ito at nadurog ang puso dahil “OTP” (One True Pair) daw nila ang dalawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy