Una sa Balita

Selena nilampaso si Beyoncé

By
0 1,488

Nagpakita ng kanilang pagmamahal ang 139 million followe­r sa Instagram ng singer-actress na si Selena Gomez noong nakaraang 26th birthday nito. Ang pinost na slideshow ni Selena sa IG ay agad-agad na nakakuha ng 8.4 million likes in 9 hours.

Pero ang breaking record na naitala ng pinost ni Selena sa history ng Instagram ay ang makakuha ito ng 1 million likes in just 13 minutes!
Kahit hindi pa nakasama ang BFF ni Selena na si Taylor Swift sa slideshow, hindi nagpabaya ang mga fan ng singer na makagawa ito ng first time record sa IG.

Natalo na nga ni Selena ang naitalang record sa IG noon ni Beyoncé Knowles nang i-reveal niya via IG ang pagbubuntis niya sa twins nila ni Jay-Z at noong ipakita na niya sa IG ang kambal. Umabot sa combined 116.5 million likes ang dala­wang photos.

According to Billboard, ang Beyoncé’s twin reveal photo ay nakakuha ng 7.8 million likes within 12 hours. Samantala ang kanyang pregnancy reveal ay humakot ng 6.4 million likes in its first few hours.