Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Selena Gomez inilantad ang malaking peklat sa singit

0 236

Isang milyon kada oras ang nagbu-view, nagla-like sa Instagram post ni Selena Gomez, na kung saan ay buong tapang nga niyang ipinasilip ang kanyang mahaba, malaking peklat sa bandang singit.

Pero siyempre, walang halong kalandian ang post na `yon ni Selena. Na hindi niya ginawa `yon para mang-akit lang.

Ginawa niya `yon para ikuwento ang isang pangyayari, na sa tingin niya ay makatutulong sa mas maraming nilalang, na tanggapin ang kanilang mga sarili.

Heto nga ang chika ni Selena:

“When I got my kidney transplant, I remember it being very difficult at first showing my scar. I didn’t want it to be in photos, so I wore things that would cover it up.

“Now, more than ever, I feel confident in who I am and what I went through…and I’m proud of that. T – Congratulations on what you’re doing for women, launching @lamariette whose message is just that…all bodies are beautiful.”

Mababasa ang pagbati, pagsasalamat ng mga netizen, sa magandang mensahe ni Selena. Pero siyempre, nandiyan pa rin ang mga fan na ang mas tiningnan pa rin ay ang kagandahan, kaseksihan ni Selena. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.