Una sa Balita

Selective Martial Law sa Mindanao

0 350

Dear Abante:

Buhay na naman ang usapin patungkol sa Martial Law sa Mindanao. Maraming umaayaw pero marami rin naman ang gustong ituloy pa kahit na sa aspetong selective Martial Law ang mangyayari. Ibig sabihin nito, hindi naman buong Mindanao ang kailangang sumailalim sa nasabing batas militar.

Mahirap din namang isantabi ang batas militar lalo na kung walang nakikitang progreso ang gobyerno sa kapayapaan sa lupang pangako. Paano nga ba aalisin ang Martial Law kung ito ang isa sa paraan ng gobyerno para malimitahan ang nangyayaring kaguluhan doon? Kung sana’y maru­nong lang makipag-cooperate ang LGU at mga tao hindi na hahantong sa punto na napapasok tayo ng mga teroristang dayuhan, ‘di na sana naganap ang Marawi siege at hindi siguro nakatikim ng martial law ang Mindanao.

Ann R. Aquino

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy