Una sa Balita

Sekyu inatado ng 2 kaaway sa trabaho

By
0 388

PARANG baboy na pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang security guard ng dalawang la­laki na umano’y kagalit nito sa Valenzuela City, kamakalawa nang gabi.

Dead on-the-spot ang biktimang si Eduardo Maceda, 44, naninirahan sa No. 133, Governor Street, Barangay Malinta ng nasabing lungsod dahil sa mga saksak nito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Arestado naman sa follow-up operation ang isa sa mga salarin na si Joselito Pacatang, 35, factory worker, residente ng No. 34 Gumamela Street, Barangay Capri, Novaliches, Quezon City, habang nagawa namang makatakas ng kasamahan nito na si Marlon Falcis, 39, ng Block 3, Phase 3, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:45 nang gabi, naka-duty sa trabaho si Maceda sa binabantayan nitong pabrika sa Prime Venture Manufacturing Tra­ding sa No. 14, Beta Street, Don Pablo, Barangay Malinta, Valenzuela City.
Dumating daw ang dalawang suspek at kinompronta ang biktima hanggang sa magkasigawan.

Narinig ng witness na si Mondel Alfaro ang i­ngay kaya naman tiningnan niya kung ano ang nangyayari.
Dito nakita ng testigo na hawak-hawak ng mga suspek ang dalawang kamay ni Maceda habang inu­undayan naman ng paulit-ulit na saksak ni Falcis ang biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy