Una sa Balita

Seguridad sa tubig, seguridad sa trabaho

0 342

Kamakailan lamang ay binulaga po tayo ng problema sa tubig. Hindi pa po naibabalik hanggang ngayon ang regular na serbisyo ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila.

Nagsagawa po ng hearing ang senado at ipinatawag ang MWSS. Bukod sa ‘weak El Niño’, sanhi raw po ng water crisis na ito ang paglobo ng populasyong sineserbisyuhan ng mga water concessionaire, samantalang sa halip na madagdagan ay pa­tuloy namang nababawasan ang pinagkukunan at pinag-iimbakan natin ng tubig.

Habang tumataas po ang demand sa tubig, bumababa naman po ang supply, at hindi ginagawa ang marapat upang matugunan ito. Ano po nangyayari? Patay po ang supply ng tubig kung tag-init. Nakamamatay naman ang bumabahang tubig kung tag-ulan.

Mahalaga po ang tubig sa trabaho at hanapbuhay. Ilang manggagawa at mag-aaral ang hindi nakapasok sa kasagsagan ng mga water interruption dahil hindi sila kumportable kung hindi nakapaligo o kung namamaho ang mga palikuran.

Alam din po natin ang naging bunga ng malawakang mga water interruption sa maraming negosyo at institusyon, maliit man o malaki, tulad ng mga laundry station, karin­deria, mall, hotel, ospital, paaralan, at napakarami pang iba.

Hindi lamang po NCR ang apektado ng water crisis. Ito’y usapin po ng mga manggagawang bukid at irigasyon. Usapin po ito ng kabundukan, kalikasan, at kapaligiran. Isyu po ito ng lumulobo nating utang at nanga­nganib na soberanya.

Isyu rin po ito ng trabaho. Ayon po sa pag-aaral, 3 out of 4 job sa buong mundo ay nasa mga water-dependent industry habang 1% po ng kabuuang bilang ng manggagawa sa mga developing country gaya ng Pilipinas ay nasa water sector – water management, construction at water supply and sanitation.

Subalit pababa po nang pababa ang bilang ng mga manggagawa sa water sector dahil sa kawalan ng interes ng mga bagong graduate na pumasok sa mga trabahong may kinalaman sa water supply.

Sa pamamagitan po ng ating isinulong na batas, ang Republic Act 11230 o “Tulong-Trabaho Act”, sisikapin po nating palakasin ang mga programa sa ating mga training institution para maihanda ang ating mga graduate sa mga trabahong may kinalaman sa panganga­siwa sa tubig.

Job Fair Schedule
PESO Taguig Job Fair
City Hall Auditorium, Taguig City
April 1

PESO-PCUP Job Fair
AFAB, Covered Court, Mariveles, Bataan
April 2

LGU – Loreto Job Fair
Umajam Activity Center, Loreto, Agusan del Sur
(senatorjoelvilla­nueva@yahoo.com)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy