Una sa Balita

SEGURIDAD SA RIO GAMES HINIGPITAN PA

0 3

RIO DE JANEIRO — Dahil sa papalapit na ang 2016 Rio Olympics, mas hinigpitan pa ang seguridad sa iba’t ibang venues, gayundin sa libong delegado, kasama na ang kakaunting miyembro ng Philippine team na magtatangkang waka­san ang may 20-taong tagtuyot sa medalya.

Mahigit sa sampung libong atleta at 6,000 officials mula sa 206 bansa ang magsasama-sama dito sa siyudad ng samba at sikat sa pamosong Ipanema Beach para sa Summer Games na magaganap sa Agosto 5-21, kung saan inaasahan din ang pagdagsa ng may kalahating milyong turista na sasaksi sa mga laro.

Mula sa venues, mahigpit ang seguridad sa paligid ng athletes’ village at maging sa kainan.

Ang mga pinuno ng mga bansa, kasama na ang French president, sports ministers ay dadalo sa Maracana Stadium para sa opening ceremony.

May banta ng Zika virus na nagmumula sa kagat ng lamok, may political instability at higit sa lahat, ang banta sa seguridad ang pinagtutuunan ng pansin ng host country.

“It’s always a threat. Security is always a concern during events of this magnitude. There is the threat of terrorism and it’s around us here,” wika ni Philippine Olympic Committee vice president and chef-de-mission Jose Romasanta.

Gayunpaman, ayon kay Romasanta, handang-handa na mga atletang Pinoy.

“Our athletes are ready. There’s nothing more to do than maintain their form. They’ve trained long and hard for this. They’re ready,” wika niya.