Una sa Balita

Seguridad sa airport, pier, bus terminal, train inalerto

By
0 231

INALERTO ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na sakop ng kanyang tanggapan kasunod na rin ng naganap na car bombing sa Basilan.

Ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa lahat ng airport, pier, railway at road transport terminal sa bansa.

Ayon kay Tugade, kailangang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero na tumatangkilik sa mga pampublikong sasakyan, maging ang mga pribadong sakayan kasunod ng naganap na pagsabog sa Basilan.

“Hindi biro ang naganap na pagsabog sa Basilan kaya naman agad kong inalerto ang lahat ng ahensiya na sakop ng DOTr,” ayon kay Tugade.

Kaugnay nito, sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Capt. Jim Sydiongco na itinaas na nila ang security alert at protocol sa lahat ng paliparan sa bansa.

Maging ang Philippine Coast Guard ay nagpakalat na rin ng security at heightened alert sa lahat ng unit nito.