Una sa Balita

Seguridad ng pagkain tagilid sa land conversion – Alejano

0 315

PINALAGAN ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano ang pagkukumahog ng ­administrasyon na i-convert sa commercial use ang mga lupang pang-agrikultura.

Banta aniya ang land conversion sa seguridad ng pagkain sa bansa.

“With the recent cases of food shortages, we have to ensure that there will be enough food sources for every Filipino. Ang DAR (Department of Agrarian Reform) ang siyang dapat nangunguna sa pagtulong sa ating mga magsasaka na mabigyan ng sapat na supply ng pagkain ang bawat pamilyang Pilipino. Hindi ba dapat pinoprotektahan ng ahensiya ang interes ng sektor na pang-agrikultura?” hirit ni Alejano.

Ang tinutukoy ng solon ay ang Administrative Order 1 Series of 2019 ng ahensiya na ang pakay ay paspasan ang land conversion para sa ­“non-agricultural use” na hindi na kinakailangan pang magsumite ng ­aplikante ng “supporting data.”

“The eagerness of the administration to convert agricultural lands for commercial use will first and foremost affect the already-poor state of the farmers in the country.

How can we expect the agriculture sector to flourish if we allow indiscriminate land conversions? Ang kailangan ng ating mga magsasaka ay tulong sa kanilang agricultural production. This move by the administration is a big irony for us, an agricultural country,” giit ni Alejano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy