Una sa Balita

Seguridad ng mga motorista sa Kennon Road tiniyak

By
0 434

TINIYAK ng Department of Public Works and Higways (DPWH)–Cordillera Administrative Region (DPWH-CAR) ang seguridad ng mga motorista sa pansamantalang pagbubukas ng Kennon Road para mga light vehicle na aakyat at lalabas ng lungsod ng Baguio para manood ng Panagbenga o Baguio Flower Festival (BFF).

Ayon kay DPWH-CAR head Engr. Tiburcio Canlas, nakahanda na ang ahensiya at iba pang departamento ng pamahalaan sa pansamantalang pagbubukas ng Kennon Road sa Peb­rero 14.

Aniya, hindi pa 100 percent ligtas ang nasabing kalsada ngunit pinagbigyan nila ang hiling ng mga opis­yal ng Baguio City local government unit (LGU) at mga residente para mabawasan ang masikip na daloy ng trapiko na nararanasan sa Marcos Highway.

Sinabi ni Canlas, dahil sa pagbubukas ng Kennon Road ay pansamantala ring ipatitigil ang mga isinasagawang ‘blasting at rock netting’ sa nasasakupan ng Kennon Road.

Magiging mahigpit din ang gagawing motorist assistance ng mga pulis at traffic unit at ang paglalagay ng mga road signage para mas matiyak ang kaligtasan ng mga moto­ristang gagamit sa nasabing kalsada sa tinaguriang City of Pines.