Una sa Balita

Sef mayabang, binabalewala ang showbiz press

0 793

abante-talbog-joe-barramedaNga­yon pa lang ay pinaplano na nina Mikael Daez at Megan Young ang European trip nilang dalawa next year. Dream pala nilang dalawa na marating ang Iceland na mara­ming celebrity ang pumupunta.

Nasa final stage na kasi ng taping ang The Stepdaughters na mga 9 or 10 months na ring umeere. Kaya mga big scene ang kinukunan nang dumalaw kami sa set ng nasabing teleserye.

Siyempre nagkaroon ng bonding ang cast sa tagal na nilang magkakasama. Kaya nalulungkot sila kapag iniisip nila ang pagtatapos ng The Stepdaughters.

Kasama rin sa cast si Sef Cadayona na matagal-tagal din namin hindi nakakatsikahan. Napapansin namin na parang mailap lately si Sef sa mga press. Maski sa pagdalaw ko sa set ng Bubble Gang ay hindi na lumalapit sa amin yan para bumati. Nung nasa set kami ng The Stepdaughters ay tinatawag din siya ng isa sa mga kasama namin noon pero parang umiiwas o hindi niya narinig.

Well kaming mga nasa press ay laging narito na nakita namin ang mga artista na dumadating at umaalis o mga sikat at laos. Talbog.

Sharon, Gabby sa Gabay Guro inaabangan­

 

Nakakaaliw si Gabby Concepcion nang sumaglit ito sa presscon ng annual Gabay Guro event na magaganap ngayon (Linggo) sa SM MOA, isang advocacy ng PLDT. Sigurado matutuwa ang mga magsisidalo ngayon dahil sabay nilang makakapiling sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa isang event. Dito mapapatunayan ni Gabby na walang anumang hidwaan sa pagitan nila, kahit may kanya-kanya na silang buhay. Nag-umpisa kasi ang intriga dahil sa hindi ma­tuloy-tuloy na pelikula na dapat ay gagawin nila.

 

Ruru wala pa ring teleserye sa GMA

 

Hindi pa namin alam kung ano ang susunod na teleserye ni Ruru Madrid. Lately ay napapanood siya sa iba’t ibang programa ng GMA bilang guest.

Mukhang nag-click naman siya sa Inday Will Always Love You na maraming sumusubaybay at nag-iingay sa Twitter at kaya laging trending ang bawat episode ng IWALY.

Basta maayos na ginagawa ni Ruru ang bawat trabaho ng ibi­nibigay sa kanya ng network. Kaya kung walang trabaho si Ruru ay workshop at gym ang pinagkakaabalahan. Kaya lalo naman humuhusay ang pag-rate niya na pinupuri ng marami.

Well sana ay mabigyan na siya ng bagong regular show at sayang ang panahon na dumadaan. Iba pa rin ang may regular teleser­ye. Mabuti na lang din mapapanood siya sa Bubble Gang on a regular basis.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy