Una sa Balita

Sef Cadayona na-trauma kay Maine

By
0 3,054

Sigurado na raw si Sef Cadayona na working siya sa V-Day. Which means, nagte-taping daw siya ng Valentine’s Day mismo. Kung hindi raw siguro siya sa The Stepdaughters, baka Sirkus naman.

“Kasado na ‘yun, sure na, trabaho ako ng Valentine’s Day,” natatawang sabi pa niya.

All good daw para kay Sef ang lahat ng nangyayari sa kanya ngayong 2018. Puro raw siya trabaho at natatawang sinabing, “no lovelife. Wala rin nililigawan.”

Na-trauma yata siya sa last involvement niya na as we all know, yung pagkaka-link sa kanila ni Maine Mendoza na hindi lang siya inulan, binagyo talaga ng mga pangba-bash.

“Hindi naman siya uminda sa akin. Whatever it is, I can take it. Hindi lang naman yun. Whatever life takes in, I can take it. Nandiyan naman mga nagmamahal kong magulang, kaibigan.”

Napansin namin na hindi nababanggit ni Sef ang pangalan ni Maine. Kaya diretsuhan namin siyang tinanong kung takot ba siya na mabanggit ito.

“Hindi, kasi kung takot ka, ibig sabihin may itinatago ka.”

Magkaibigan pa rin daw sila at nagkakausap pa rin, pero hindi na raw ganoon kadalas dahil sobrang busy nila, lalo na raw siya sa ngayon.

Sa isang banda, ang nag-pilot na bagong afternoon prime ng GMA-7 na The Stepdaughters kahapon pa lang pala ang maituturing na kauna-unahang drama serye ni Sef dahil kadalasang proyekto niya at comedy ang tema.

Kaya hindi niya itinatago ang saya na this time, magda-drama naman daw siya bilang matalik na kaibigan ng karakter naman ni Mikael Daez.

Alden, Maine kasal sa Rome isang malaking ilusyon

Bawat lugar yatang puntahan ni Alden Richards, may mga nag-iilusyong fans na kaya ito nandoon dahil doon ang magiging wedding venue nila ni Maine Mendoza.

Remember, ‘yung kesyo sa Rome raw magpapa­kasal. Recently, sa Batanes naman daw.

Nasagot na naman siguro ang ilusyon ng ilan dahil sa recent Instagram post niya na quoted niya ang quote ni Andrew Zimmern.

Enjoy lang si Alden ngayon lalo na’t may chance rin na mag-attend ito ng Gala Night ng New York International Festival dahil sa nomination na natanggap ng special niyang “Alaala”.

Ito ay bago kaya simulan ni Alden ang isa sa bonggang proyektyo niya sa telebisyon?