Una sa Balita

Sedisyon sa Magdalo hinarang

0 312

DUMULOG sa Court of Appeals (CA) si dating Magdalo Representative Gary Alejano at isa pa niyang kasamahan sa grupo na si Jonnell Sangalang para patigilin ang Department Of Justice (DOJ) sa pagsasagawa ng pagdinig sa kasong sedition na isinampa laban sa kanila ng PNP-CIDG.

Sa kanilang Petition for Prohibition, iginiit nina Alejano at Sangalang na walang kapangyarihan ang DOJ na umakto sa kasong hindi maituturing na banta sa pambansang seguridad.

“The purpose of the petition is for DOJ to not proceed further. We are are questioning the authority of the DOJ Panel,” anila.

Hiniling din nila sa Appelate Court na pigilan ang Office of the Solicitor General (OSG) sa pag-akto nito bilang abogado ng PNP-CIDG.

Base anila sa Administrative Code, maaari lamang magsilbing abogado ng gobyerno ang OSG kapag ang kaso ay nakasampa na sa Supreme Court (SC) o ‘di kaya’y sa Court of Appeals.

Bukod kina Alejano at Sangalang, kasama rin sa respondent sa mga reklamong sedition, cyberlibel, libel, estafa, harboring a criminal at obstruction of justice na inihain ng PNP-CIDG ang mahigit 30 iba pa na nadadawit sa pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng ‘Project Sodoma’ kabilang si Vice President Leni Robredo. (Anne Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy