Una sa Balita

Security Supreme patok

0 403

PITONG bagitong ka­bayo ang magtatagisan sa Three-Year-Old & Above Maiden Race na pasisibatin sa unang karera ngayong araw sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Inaasahang magiging top favourite ang magka-kuwadrang Security Supreme at Red White and Blue sa 1,200-meter race.

Subalit tinitiyak ng ibang karerista na palaban din ang ibang kalahok dahil sa added prize na P10,000 para sa unang kabayong tatawid ng meta.

“Bukod sa mga batang kabayo na alam natin na pabago-bago ang kanilang performance, mahirap ang karera dahil paniguradong pinaghandaan din ito ng ibang trainer kaya kahit sino diyan may mga panalo,” kuwento ni Rico Del Rosario, karerista na taga-Tayuman.

Ang ibang kalahok ay sina Jinxky, Big Girl, Common Sense, Act Of Kindness at Dream Team. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More