Una sa Balita

Security escort ni Cebu Cong Salimbangon timbog sa checkpoint

0 487

TATLO katao kabilang ang nagpakilalang security escort ni 4th District Representative Benhur Salimbangon ang naaresto sa loob lang ng halos da­lawang oras na pagpapatupad ng checkpoint sa lalawigan ng Cebu.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Richard Lepar Monsanto na nadakip sa Barangay Agujo, Daanbantayan, Cebu.

Ayon kay Chief Insp. William Hamoc, hepe ng Daanbatayan Police Station, dakong alas-12:30 nang madaling-araw ay sakay ng kanyang motorsiklo si Monsanto galing ng Kandaya Resort at pauwi na sana ng kanilang bahay sa Barangay Curva nang mapadaan ito sa checkpoint sa Barangay Agujo.

Balak pa sana nitong bumalik nang makita ang checkpoint subalit pinahinto na siya ng pulisya at nang siyasatin ay nakuha sa pag-iingat ang kalib­re .45 baril na nakasukbit sa kanyang bewang at walang maipakitang papeles.

Nang tanungin kung bakit ito may baril ay sinabi nitong escort umano siya ni Congressman Salimbangon at nakalimutan lang umano niyang iwan ang kanyang baril sa opisina.

Kinumpiska naman ng pulisya ang baril nito gayundin ang motorsiklong gamit habang sinampa­han ito ng kaukulang kaso.

Iniimbestigahan din kung totoong escort ang suspek ng sinasabi niyang politiko. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy