Una sa Balita

Security council nanindigan sa West Philippine Sea – Sotto

By
0 737

IPINAHAYAG ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na nanindigan ang National Security Council (NSC) na kailangang ipaglaban ang mga isla sa West Philippine Sea na inaangkin ng ating bansa.

Sinabi ito ni Sotto matapos kontrahin ang pahayag ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na ‘willing victim’ ang Pilipinas sa pag-abuso ng China sa usapin sa West Philippine Sea (WPS).

Hindi lamang anya alam ng publiko ang ginagawa ng gobyerno kaugnay sa pakikipag-agawan ng teritoryo sa China.

“Nu’ng NSC meeting namin, ang usapan namin du’n, dapat nga hindi ko sabihin sa’yo pero in gist, inaangkin din naman natin ‘yung (mga isla), hindi lang tayo ma-broadcast, alam ng China na inangkin natin ‘yun,” paliwanag ng lider ng Senado.

“Ang pinag-uusapan ngayon ay ‘yung atin, atin; ‘yung nasa international waters e sharing tayo kung ano man ang meron du’n. ‘Yun ang stand ng National Security Council,” giit pa ni Sotto.