Una sa Balita

Secretary may palpak na tauhan, ebidensiya sa kaso dinispatsa

0 336

MAY nagaganap daw na milagro sa isang tanggapan ng gobyerno na hindi man lang nalalaman ng Kalihim.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na dinispatsa daw ng mga tauhan ni secretary ang mga mahahalagang dokumento sa kanilang tanggapan.

Ang nasabing dokumento ay gagamitin sanang ebidensiya sa isinampa nilang kaso laban sa isang indibidwal.

Kaya noong magka­roon ng pagdinig ng kaso, aba’y walang maiprisintang ebidensiya ang tauhan ni secretary dahil dinispatsa na raw ang mga dokumento.

Nasermunan tuloy ng judge ang tauhan ni secretary dahil sa kapalpakang kanilang ginawa.

Pintahan niyo na. Ang secretary na may palpak na tauhan ay kilalang matapang at may letrang L sa kanyang pangalan as in latigo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy