Una sa Balita

Secretary bagsakan ng problema

0 526

SINO raw itong mi­yembro ng gabinete ni Pangulong Duterte ang paboritong bagsakan ng problema?

Kapag may nakitang problema kasi ang Pangulo, imbes na pakilusin ang kinauukulang government agency ay kay secretary binibigay ang pagresolba sa problemang ito.

Sa dami ng trabahong ibinigay kay secretary, nasapawan tuloy nito ang trabaho ng ibang cabinet member.

Malaki raw kasi ang tiwala ng Pangulo kay secretary kaya palaging dito binabato ang problema.

Nagagawan kasi agad ng solusyon ni secretary ang problema kesa sa ibang cabinet member na papetiks-petiks lang kung magtrabaho.

Dahil sa dami ng pinapagawang trabaho, bihira na tuloy umuwi ng kanyang bahay ang opisyal.

Pintahan niyo na. Ang Cabinet member na bagsakan ng problema ay may letrang A sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More