Una sa Balita

Second coming ni Balkman tatahasan ng Aces

By
0 693

Standings

Rain or Shine      4              1

Alaska                 3              1

*Meralco             3              1

*TNT                   3              1

*Magnolia           2              1

GlobalPort          3              2

Columbian          3              3

Phoenix              2              2

Ginebra              1              2

NLEX                 1              4

SMB                  0              2

*Blackwater       0              5

 

 

*Naglalaro pa kagabi
Laro ngayon
(Dumaguete City)
5 pm – Alaska vs. SMB

Pagkatapos ng limang taon, balik sa ikalawang pagkakataon sa PBA si Renaldo Balkman.

Balik din ang showtime sa liga, unang tatasahan ang bruskong Puerto Rican ng Alaska sa dayo ng Commissioner’s Cup sa Dumaguete City mamaya.

Walang naipanalo ang San Miguel Beer sa unang dalawang laro, pinasibat ng defending champions si Troy Gillenwater at ibinalik si 6-foot-8 Balkman. Sa parehong torneo noong 2013, binagsakan ng lifetime ban sa PBA si Balkman nang magwala at sakalin pati ang kakampi sa noo’y Petron na si Arwind Santos.

Noong March 27, sa inisyatiba ni Commissioner Willie Marcial ay na-lift ang ban at naihulma ang second coming ni Balkman pero hindi agad nakalaro dahil kumakampanya pa sa San Miguel-Alab Pilipinas na nagkampeon sa ASEAN Basketball League.

“I feel great, it’s great to be back in the PBA,” ani Balkman sa unang praktis kasama ng Beermen noong Miyerkoles. “I’m trying to win another championship. That’s my main goal while I’m here.”

Unang hakbang sa hinahabol niyang titulo ang laro kontra Aces na matapos masilat sa unang laro ay naipanalo ang huling tatlo.

Bibinyagan agad si Campbell ng counterpart na si Antonio Campbell na naga-average ng 27 points at 18 rebounds. Susubukan ding pigilin ng Beermen si Vic Manuel na nagsusumite ng 23.5 points sa three-game win streak ng Aces nang ipagtutumba ang Blackwater, Columbian Dyip at TNT KaTropa.