Una sa Balita

SECOND CHANCES

By
0 248

Unang labas

Love is sweeter the second time around. Iyon ang pinaniniwalaan ng mga taong gustong magkaroon ng second chance dahil hindi naging maganda ang unang pagkakataon para sa kanila.

Pero para sa’kin, dapat ibigay mo na ang best mo sa first chance mo pa lang dahil hindi lahat ng tao nabibigyan ng pangalawang pagkakataon…

“Ma?…” marahan kong hihimasin si mama sa likod. Umiiyak na naman kasi siya tulad ng mga nagdaang gabi.

Palagi na lang ako nagigising sa mga hikbi niya at kung minsan ay hagulgol pa. Isa lang kasi ang kuwarto ng bahay namin at magkatabi kami sa iisang kama kaya naman alam ko ang pinagdaraanan niya.

“Matulog ka na, okay lang ako…” iyon ang palagi niyang sagot.

“Ma, pinaiyak ka na naman ba ni tito Arnulfo?”

“Wala na kami…binalikan niya ang asawa niya…” mahinang sagot ni mama.

Si tito Arnulfo ang boyfriend ni mama three months ago. Limang taon na mula nang mamatay si papa sa lung cancer dahil sa sobrang paninigarilyo, at limang taon na rin na papalit-palit ng boyfriend si mama. Hindi raw siya malandi tulad ng iniisip ng iba.

Gusto lang daw niya makatagpo ng tunay na pag-ibig. Kahit kasi nagsama sila ni papa ng maraming taon ay hindi niya masabing tunay ang pag-ibig nila sa dami ng naging babae ni papa.

Pero sadya yatang malas si mama pagdating sa true love, kasi lahat ng naging bf niya, pinakamatagal na ang three months.

Akala ko nga mabi-beat na ni tito Arnulfo ang record, pero hindi rin pala. Nakilala ni mama si tito Arnulfo sa restaurant, suki namin siya at hiwalay sa asawa, pero tulad nga ng sabi ni mama, binalikan na nito ang asawa kaya si mama, broken hearted again.

“Ma, makakatagpo ka pa naman ng iba di ba?” sabi ko. Pero hindi yata nakatulong kay mama ang sinabi ko kasi lalong lumakas ang iyak niya.

“Ayoko na, ayoko na…ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sa lalaki!”

Naaawa ako kay mama. Pero ano nga lang ba ang magagawa ko kundi ang yakapin siya para mapakalma.

Kinabukasan. Parang wala lang kay mama ang lahat. Back to work siya at masiglang-masigla.

Tinabig niya ang kamay ko na nakapangalumbaba sa mesa habang pinagmamasdan siya.

“Hey sweetie, malas ‘yan sa negosyo! Cheer up, may customer na!”

Tumingin ako sa papasok na customer at in-exercise ang bibig ko para ihanda sa isang kaaya-ayang ngiti.

“Good morning po, welcome to Good vibes restaurant!” Good vibes ang ipinangalan ni mama sa restaurant na pinaghirapan niyang itayo na mag-isa. Gusto kasi niyang maging very positive ito sa tingin at panlasa ng mga customer.

At katulong niya ako sa pagpapalago nito kasabay ng pag-aaral ko sa college.

Meron din kaming apat na waiters, two girls and two boys. Ang chef naman namin ay si mama mismo at si aunty Bel na pinsan niya, matandang dalaga.

Paminsan-minsan ay tinuturuan din ako ni mama sa kitchen para daw pagdating ng araw ay ako naman ang mamahala dito. HRM din kasi ang kinukuha kong kurso tulad ng natapos niya.

At sa edad kong 17, palagi kong sinasabi sa sarili ko na magiging tulad ako ni mama. Single and strong. (Itutuloy)