Una sa Balita

Sec. Nograles nag-self quarantine

0 345

Nagboluntaryong mag-self quarantine si Cabinet Secretary Karlo Nograles makaraang nagpositibo sa COVID test si ACT-CIS congressman Eric Yap.

Sinabi ni Nograles na kahit maikokonsiderang second generation na sila mula sa mga taong nakahalubilo ni Yap at hindi kailangang mag-self quarantine ay minabuti nitong magboluntaryo at magtrabaho na lamang sa bahay.

“Kaming mga kasamahan nila sa gabinete, second generation kami. Wala naman sa protocol na mag-quarantine kami pero ang ilan sa amin minabuting mag-voluntary self -quarantine na lamang at mag-work from home na lang po ako,” ani Nograles.

Ang nangyayari aniya ngayon ay hindi na ang COVID-19 ang tutok ng publiko kundi ang mga politiko na tinatamaan ng pandemic.

Sinabi ni Nograles na ayaw ng Palasyo na mapunta ang atensiyon sa mga politiko dahil ang kalaban ngayon ng bansa ay ang mabagsik na coronavirus disease 2019.

“Ang nangyayari kasi ngayon, kapag may politikong nag-positibo may public displeasure. Ayaw namin na yung atensiyon mapunta sa mga politko. Ang atensiyon dapat naka-focus lahat sa COVID-19. Huwag nating tingnan kung sino yung dapat, sino yung hindi,” dagdag pa ni Nograles.

Tiniyak naman ng kalihim na tuloy pa rin ang kanilang tabaho sa Inter-Agency Task Force for The Management of Emerging Infectious Diseases kahit nasa bahay sa pamamagitan ng teleconferencing.

“Yung gustong mag voluntary mag-quarantine at mag-work from home ay dapat magsabi na. Pero lahat kami sa IATF thru telecon na lang para walang masabi ang mga tao,”wika pa ni Nograles.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More