Una sa Balita

SEC nagbabala sa investment scam sa Davao

0 736

PINAG-IINGAT ngayo­n ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang publiko sa mga online investment entities na humihikayat sa publiko na mamuhunan gamit ang social media o internet.

Una rito, nakatanggap ang SEC ng impormasyon na ilang indibidwal o grupo na kumakatawan sa Rigen Marketing (RIGEN) ang humihikayat sa publiko na mamuhunan gamit ang online at walk in solicitations.

Ayon sa SEC, ang RIGEN ay bagong tatag na kompanya na nakabase sa Tagum City, Davao Del Norte at pinalawak sa ibang pang mga lalawigan ng Davao Oriental, Davao Occidental, Davao Del Sur, General Santos City at iba pang karatig na siyudad at munisipalidad.

Dagdag pa ng SEC ang nabanggit na entidad ay may pangakong malaking ROI o return on investments na 400% sa loob lamang ng tatlumpung araw.

Ayon sa SEC, ang pag aalok o pagbebenta ng mga securities sa publiko ng walang permit o lisensya mula sa Komisyon ay isang paglabag sa Securities Regulation Code (SRC).

Ang RIGEN diumano ay pinatatakbo ng mga personalidad na sinasabing big players sa foreign exchange sa crypto currency tra­ding na lisensyado sa Singapore.

Ang publiko ay pinapayuhan na gawin ang mga kinakaila­ngang pag-iingat sa mga tao o grupo na nag-aalok na ipuhunan ang inyong pera sa ganitong scheme o pamamaraan. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy