Una sa Balita

Sec. Lopez inasunto ng plunder sa pagpabor sa Hyundai

By
0 1,551

INULAN ng kasong plunder, technical smuggling at economic sabotage ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Department of Justice (DOJ) si Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez na siya ring chairman ng Board of Investment (BOI) dahil ginamit umano nito ang kanyang posisyon para paboran ang isang car manufacturer sa bansa.

Bukod kay Lopez ay kinasuhan din ng VACC ang 10 opisyal ng Hyundai Motor Company (HMC) at Hyundai Asia Resource Inc., (HARI) dahil sa umano’y lantarang paglabag sa section 3602 ng Tariff and Customs Code of the Philippine in relation to section 1400 ng Republic Act 10863.

Tinukoy nina Atty. Manuel Obedoza at Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng VACC, ang iba pang kinasuhan na sina Mong-Koo Chung, Chairman ng HMC; Won-Hee Lee, Chief Executive Officer ng HMC; Yong Suk Lee, President ng HMC; Richard Lee, Chairman Emeritus ng HARI; Edward Go, Chairman ng HARI; Conrad Marty Vice Chairman ng HARI; Ma. Fe Perez-Agudo, President and CEO ng HARI; Eleazar Reyes, Member ng Board of Director ng HARI; Ladislao Avilla Jr., Board memder ng HARI at Cristina Salvador na siyang Customs broker ng HARI.

Isa pang undersec­re­tary ng DTI, na hindi­ pa tinutukoy ang pangalan­, ang kakasuhan din ng VACC sa susunod na mga araw.

Sa 12 pahinang inihaing kaso, sinabi nina Attys. Obedoza at Topacio, nalugi umano ng mahigit sa P1 bilyon ang gobyerno na dapat sana ay koleksyon ng VAT at Customs Duties mula sa importation ng iba’t ibang motor vehicle ng HMC.

“As a result of HARI’s false pretenses and fraudulent representation, the government was defrauded of collectin­g VAT and Customs Duties from its importation in the amount of P1.1 billion­,” ani Obedoza.

Nakasaad sa reklamo na DTI at BOI ang siyang pangunahing ahensiy­a ng pamahalaan na ang mandato ay ipatupad­ ang rationalization program ng gobyerno, bantayan at patawan ng parusa ang mga kompanyang luma­labag sa umiiral na batas at hindi magpagamit sa mga ito.
Sinabi pa nina Atty. Obedoza at Topacio, ang pagsasampa nila ng kaso laban kay Lopez at iba pang respondent ay dahil layunin nilang makatulong sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan na ang ginagawang graft and corruption ng ilang tiwaling opisyal ng gobyerno.

“Bukod sa droga ay galit din ang Pangulong Duterte sa graft and corruption. Nais ng VACC na makatulong sa kampanyang ito ng Pangulo” sabi pa ni Topacio.