Una sa Balita

Sec Dar nganga sa ASF sa Mindanao

0 376

CLUELESS ang Department of Agriculture kung paano nakapasok ang African Swine Fever sa bayan ng Don Marcelino sa Davao Occidental.

Paliwanag ni Agriculture Secretary William Dar, liblib na lugar ang Don Marcelino at tabing dagat ito kaya hindi niya maintindihan kung paano nakarating doon ang ASF.

Sabi ni Dar, ayaw niyang magbigay ng haka-haka kung paano naka­pasok sa Don Marcelino ang ASF at kasalukuyang iniimbestigahan ng kagawaran ang pangyayari para mala­man ang pinagmulan nito.

Ayon kay Dar, nagbibigay ng ayuda ang provincial government sa pamamagitan ng pagbili ng mga baboy sa halagang P5,000 kada ulo.

Malaking bagay aniya ito dahil hindi na magkakabentahan ng mga baboy na may sakit ng patago ang mga natatakot malugi.

“Good move, it’s a game changer­ in terms of controlling the virus­ and not spreading the virus. Chances are it is still there even for not affected pigs lalo na at kung hindi maganda ang pagka depopulate,” sabi ni Dar.

Sa kabila ng batikos ni dating ­Agriculture Secretary Manny Piñol sa kahandaan sa paglaban sa pagka­lat ng ASF sa Davao, iginiit ni Dar na kontrolado ng kagawaran ang sitwas­yon ng ASF sa lugar.

“We are on top of the situation,” sabi ni Dar. (Eileen Mencias)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More