Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sec Berna: Mga bakunadong foreigner papasukin na

0 217

Iminungkahi kahapon ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na maglaan ng “green lane” para makapasok na sa bansa ang mga dayuhang turista na bakuna na kontra COVID-19.

Layon ng kalihim sa kanyang suhestiyon na makatulong ang pagpasok ng mga dayuhang turista sa pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Puyat, magiging daan ito para magbukas na ang mga tourist destination para sa mga dayuhang bakunado na at nais mamasyal.

Magkakaroon din aniya ng positibong epekto ito para naman sa mga tourism worker na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Inihayag pa ni Puyat na sisiguruhin din nila ang kaligtasan kontra COVID-19 kapag dahan-dahan nang bumabangon ang turismo sa bansa.

Nauna rito ay inatasan ng IATF ang DOT at ilang pang ahensiya ng pamahalaan para pag-aralan ang protocol sa pagpasok ng mga dayuhang biyahero partikular sa mga indibidwal na nabakunahan.

Sabi ni Puyat, kapag inaprub ang kanyang mungkahi ay makapapasok na sa bansa ang mga dayuhan na nais mamasyal sa bansa dahil luluwagan ang quarantine protocol sa mga bakunado na. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.