Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sean ‘naelya’ kay AJ Raval

0 792

Jackpot Ka Boy! Nakakainggit ka!

‘Yan daw ang magiging reaksiyon ng mga kalalakihan kay Sean De Guzman kapag napanood na ng mga barako ang pelikulang ‘Taya’ sa Vivamax.

Eh kasi naman, tatlong babae ang tinuhog niya sa ‘Taya’ na pantasya ng mga kalalakihan.

Ang ‘Taya’ ay ay tungkol kay Sixto (Sean), isang estudyante na nakadiskubre na ang babaeng lagi niyang pinagpapantasyahan ay isa sa mga premyo sa isang online “ending” na laro.

Agad-agad siyang tumaya at maswerte siyang nanalo sa laro. Ngunit dahil nagkamali siya sa pagtaya, hindi niya napansin na ibang babae ang kanyang natayaan; isang babaeng nagngangalang Nanette (AJ Raval). Pagkatapos ng ilang sexual encounter, naadik si Sixto kay Nanette at nangako ito na babawiin siya sa sindikatong may hawak sa kanya na ang tingin lang sa kanya ay isang premyo na pagkakakitaan.

Inamin nga ni Sean na ‘naelya’ siya sa mga eksena nila ni AJ.

“Opo, hindi talaga naiwasan. Kasi naman, ang lakas ng dating ni AJ, kaya kahit anong iwas ko, wala, eh. Pero, nag-usap naman kami na kahit anong mangyari, tuloy na lang, para hindi na ma-take 2.

“So `yun nga, tuloy lang! Kahit nakita na niya, okey lang,” kuwento ni Sean.

Ang ‘Taya’ ay mula sa direksiyon ni Roman Perez Jr., at kasama rin sa pelikula sina Jela Cuenca, Angeli Khang. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.