Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Seaman pumanaw habang naka-quarantine sa hotel

0 56

Natagpuang patay ang isang seaman habang naka-quarantine ito sa isang hotel sa Malate, Maynila noong Miyerkoles ng hapon.

Sa imbestigasyon ni PCMS Joseph Kabigting, nag-check-in sa Room 307 ng Rothman Hotel sa 1633 Adriatico St., Malate ang seaman na si Danny Tolorio, 42-anyos, tubong Zamboanga Sibugay, noong Mayo 3, para sa kanyang quarantine bago sumakay sa barko noong Mayo 11.

Nagtaka umano ang hotel staff na si Hally Adon dahil hindi nagalaw ang almusal at tanghalian ni Tolorio noong Miyerkoles. Tinawag niya ang security guard na si Alberto Labante para kumuha ng duplicate key at saka tumambad sa kanila ang bangkay ni Tolorio nang mabuksan ang silid nito.

Kaagad naman nai-video call ang asawa ni Tolorio para ipaalam ang nangyari sa kanyang mister.

Dinala sa Cruz Funeral ang bangkay para maawtopsiya upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng seaman (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.