Una sa Balita

SEAG uulanin? Bagyong ‘Tisoy’ nagbabadya sa PH

0 889

ISANG bagyo ang papasok sa bansa ngayong weekend na maaaring makaapekto sa pagbubukas ng SEA Games, ayon sa Philippine Atmosphe­ric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa ang bagyo na may international name ‘Kammuri’ ay nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR), namataan ito sa layong 1,755 km sa silangan ng Visayas taglay ang lakas ng hanging umaabot ng 85 kph at may pagbugso na 105 kph.

Sa latest track ng Pagasa posibleng papasok ng bansa ang bagyong ‘Kammuri’ sa araw ng Linggo o Lunes nang umaga, sa oras na pumasok ng PAR ay tatawagin itong bagyong ‘Tisoy’.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ng Pagasa kung magiging maulan ang SEA Games parade na gaganapin sa Sabado sa Bocaue, Bulacan suba­lit asahan na magiging maulan sa ilang bahagi ng bansa sa araw ng Linggo. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More