Una sa Balita

SEAG, Olympics tatalakayin sa POC General Assembly

0 165

NAKATAKDANG ihayag ngayong umaga ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang itatalaga na Team Pilipinas chef de mission para sa 2020 Tokyo Olympics habang iuulat din nito ang kaganapan sa 30th Southeast Asian Games sa ipinatawag nito na General Assembly.

Unang pagkakataon na pamumunuan ni Tolentino ang POC General Assembly bilang pangulo matapos na unang magsilbi sa pribadong ahensiya ng sports bilang chairman at palitan ang dati nitong kasamahan na si dating POC president Ricky Vargas.

“Please be informed that there will be a POC General Assembly on August 13, 2019, 9:00am to 11:00am at the Diamond Hotel, Roxas Boulevard corner Dr. J. Quintos St. Manila,” ayon sa POC Memo.

“The agenda of the meeting are as follows: appointment of new officers, (SecGen, Deputy Secgen), Chef de Mission – Tokyo Olympics, at Other Committee Chairmanship, General updates on the 2019 SEA Games and other matters,” ayon pa sa sulat. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy