Una sa Balita

SEAG double gold medalist Janine Pontejos tirador sa court!

0 496

SA bawat koponan, palaging may isang inaasahan sa oras ng pangangailangan.

Iyan ang role ni 30th SEA Games double gold medalist Janine Pontejos, miyembro ng Philippine women’s 3×3 at 5×5 squad at produkto ng Centro Escolar University (CEU)

“Nag-start ako bata pa ako, tinuturuan ako ng kuya ko at sinasama niya ako sa basketball court,” kuwento ni Janine nang minsang makapanayam ng Abante.

Pero ang hindi alam ng marami, hindi basketball ang first love ni Janine kundi track and field.

Sa katunayan, elementary pa lang ay nakikipag-unahan na siya sa takbuhan. Kinarir niya ito hanggang high school at matapang na nakipagpaligsahan.

Kinalaunan, na-expose na siya sa basketball pagsapit ng kolehiyo at hinubog ang kanyang shooting skill lalo na sa three-point territory.

“Athletic kasi ako dati eh simula elementary hanggang high school. College lang ako nag-basketball na talagang may 5-on-5 at sumali sa mga liga,” dagdag ni Janine.

“Naging hardworking lang ako sa paglalaro ng basketball. So ayun na, gumanda ‘yung mga skill ko,” pagbubunyag pa ni Janine na nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Business Management.

Naging training ground niya ang paglalaro sa CEU kung saan nagsimula ang kanyang karera nang makabingwit siya ng MVP award sa Women’s National Basketball League (WNBL) Season 1.

Muling nagmarka ang 26-anyos na si Janine nang makadagit din ng special award gaya ng Mythical 5 sa WNCAA, NAASCU, 2011 National WNCAA at Dickies Cup 2015.

Taong 2018 ay su­mabak din siya sa FIBA 3×3 shootout contest at nakabingwit ng gintong medalya.

***

Q&A

Abante: Ano ang nag-drive sa iyo para maglaro ng basketball knowing na babae ka at panlalaki ito?

Pontejos: Sa akin kasi before hindi ko inisip na panlalaki lang ang basketball. So kung hobby mo talaga at kung iyon talaga ang talent mo, bakit hindi mo subukan na ilabas at ilaban ‘yung talent mo?

Abante: Nakikita mo ba ang sarili mo na magco-compete sa mga susunod pang SEA Games?

Pontejos: Hindi ko masasabi kasi siyempre madami na rin ang magagaling na player. It’s an honor kung pipiliin pa rin akong maging part ng Philippine team, bakit hindi?

Abante: Kung bibigyan ka ng chance na bumalik sa nakaraan at makapaglaro sa UAAP, anong school ang pipiliin mo?

Pontejos: Hindi ko alam. Hindi ko inisip kung saang school ako. Basta mahal ko ‘yung CEU kaya hindi ako babaliktad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More