Una sa Balita

SEA Games eSports mauudlot

By
0 1,566

POSIBLENG maudlot ang pagsasagawa ng mga popular na mga laro sa electro­nics sports o eSports sa unang pasada nito bilang regular medal event sa 30th Southeast Asian Games kung susundin ang mga kautusan ng namamahalang Southeast Asian Games Federation (SEAGF).

Nanganganib na ‘di maisama ang mga laro na sobra sa pagiging bayolente, na makakaapekto sa ugali at isip ng isang personahe at labis na pagiging agresibo sa SEAG matapos ihayag ang kautusan sa ginanap na Technical Delegation Meeting noong Huwebes at Sabado.

“Games that are showing extreme violence, showing aggression, and resulting violent behavior, are inacceptable,” ayon sa isang opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC).

Gayunman, ipinaliwanag nitong marami pang mga electronic game ang posib­leng isagawa ng mga namamahala sa nasabing bagong saling disiplina sa pang­rehiyong torneo na tampok ang 11 bansa sa silangang bahagi ng mundo.

Ilan sa posibleng maapektuhan ng kautusan ay ang larong Defense of the Ancient o DOTA 2 at ang Counter Strike 2.

Una nang inihayag ng binuong ad-hoc organization na magpapatakbo sa electro­nics sports ang pagsasagawa ng 6 na event sa 30th SEA Games kung saan 6 gold me­dals ang paglalabanan.

Ito ay magmumula sa dalawang PC Games, dalawa sa console at dalawa rin sa mobile games.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy