Una sa Balita

SCUCAP chess babanat

0 218

PABIDA agad ang bagong tatag na Santiago City United Chess Association of the Philippines (SCUCAP) dahil magsasagawa sila ng chess tournament. 

Hinayag ni SCUCAP President Ric A. Ambatali na magdadaos sila ng 1st SCUCAP Non-Master Chess Invitational 2000 and below sa darating na Sabado sa Balay Na Santiago Calao sa Santiago City, Isabela.

May nakalaan na P5,000 plus trophy ang maiuuwi ng magkakampeon habang sa second hanggang fourth pla­cers ay magbubulsa ng tig-P3,000, P2,000 at P1,000 plus medals ayon sa pagkakahilera.

Hahamig naman ng P500 at medal ang fifth hanggang 10th sa nasabing one-day rapid chess tourney.

Sa kiddies division, tatanggap ng P1,500 plus trophy ang magwawagi, mapupunta ang P1,000, P800 at P500 plus medals sa second hanggang fourth. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy