Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Scottie inamin hiwalayan sa GF

0 72

MATAGAL nang haka-haka na hiwalay na ang newly-engaged couple na sina Scottie Thompson ng Barangay Ginebra Gin Kings at Pau Fajardo.

Naging matunog ang chismis nang makitang burado na ang lahat ng larawan nilang magkasama sa kanilang mga social media account.

“Over 2 months na kaming hiwalay kita nyo nang deleted na mga pic bawat isa samin,” ayon sa Instagram post ng former Finals Most Valuable Player ng Ginebra.

Inamin na ng Barangay Ginebra Star na dalawang buwan na silang hiwalay ng kanyang nobya at buong tapang din nitong sinabi na siya ang nagkamali kaya natapos na ang kanilang relasyon.

“Ako reason ng hiwalayan namin ako ang may mali ng lahat. Mas masarap sundin yung puso natin kung san masaya,” dagdag pa ng ‘monster rebounder’ ng Gin Kings.

Pagtatapos ni Scottie, “wala akong paki sa inyo.” (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.