Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Scottie, Calvin, Bolick, Mikey agawan sa MVP

0 99

GITGITAN sina Scottie Thompson ng Ginebra, Calvin Abueva ng Magnolia, Robert Bolick ng NorthPort at Mikey Williams ng TNT sa MVP honors ng PBA Season 46.

Nangunguna rin si Philippine Cup Finals MVP Williams sa mga kandidato para sa Rookie of the Year, nagposte ng 34.26 statistical points mula sa averages na 19.5 points, 3.9 rebounds, 4.2 assists.

Si Benjie Paras pa lang ang nag-iisang Rookie of the Year at MVP ng liga noong 1989.

Pinakamalapit na kabuntot niya sa newcomers si Jamie Malonzo (30.2 SPs) ng Batang Pier.

Nakalikom si Bolick ng 36.17 SPs mula sa 19.1 points, 6.86 rebounds, league-best 8.2 assists, 1.41 steals averages per game.

Si Abueva ang Best Player of the Conference ng all-Filipino, nakapagsumite ng 14.5 ppg, 8.79 rpg, 2.3 apg, 1.0 spg tungo sa 32.87 SPs.

BPC at Finals MVP ng Governors Cup si Thompson (32.22 SPs) na bawat laro ay nakakapag-deliver ng 13.9 points, 9 rebounds, 5.4 assists at 1.24 steals.

Isasabay ang Leo Awards sa opening ng Season 47 sa June 5. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.