Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Scottie asinta All Pinoy crown

0 98

Gusto pang dagdagan ni Scottie Thompson ang anim na championship rings niya sa Ginebra, huli ang sa katatapos na PBA Governors Cup.

Si Thompson ang Best Player of the Conference at Finals MVP ng season-ending tournament matapos tulungan ang Gin Kings sa 4-2 series win kontra Meralco.
Mas matamis para kay Iskati kung makuha nila muli ang Philippine Cup crown.

Ginebra ang hari sa all-Filipino noong 2020 na tinapos sa Clark bubble.

Tinalo noon ng crowd darlings ang TNT 4-1, at si LA Tenorio ang Finals MVP.

“Iba rin ‘yung all-Filipino,” giit ni Iskati. “Wala kaming Justin Brownlee nu’n.”

Dahil walang imports, todo-kayod ang locals.

“Marami pang teams na malalakas especially sa all-Filipino,” puna ng 6-foot-1 do-it-all guard na produkto ng Perpetual Help. “Even lahat, talagang grind lahat bawat laro.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.