Una sa Balita

Scott, PH Team humakot ng 9 gold medal sa Sabah

0 334

HAKOT ng siyam na ginto, pitong pilak at tatlong tansong medalya ang Philippine team sa 9th Sabah Masters Athletics Championships sa Sabah, Malaysia.

Hindi nagpaiwan ang 70-taon nang middle distance runner na si Dennis Scott upang pamunuan ang Team Pilipinas sa nahakot na apat na gintong medalya sa pagtakbo nito sa 400m, 800m, 1,500m at 3,000m Men’s 70-74 age bracket.

Ang Philippine Masters Association (PMA) president na si Emerson Obiena ay nagwagi naman ng dalawang ginto sa pagsabak nito sa Men’s 50-54 Javelin Throw at Pole vault at dalawang pilak sa Discus Throw at 100meter hurdles.

Iniuwi ni Jonji Villa ang kanyang unang International gold medal sa Discus Throw sa Men’s 60-64 year category.

Nasungkit din ni Judith Staples ang pinakahuling ginto ng bansa sa women’s 45-49 Discuss throw sa pagtatala ng bago nitong personal best na 21.55 minuto.

Wagi din ng ginto si Salve Bayaban sa women’s 55-59 200 meters at tanso sa 100 meters.

Ang iba pang nagwagi ng medalya ay si Edward Obiena sa pilak sa pole vault at tanso sa discus throw, Drolly Pondales Claravalll na may pilak sa discus throw at tanso sa Javelin Throw at si Menchie Obmina-Muaña na may pilak sa 3,000 meters at Julio Bayaban na pilak sa 200 meters. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy