Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Scorpion, tarantula buking sa NAIA

0 91

Naharang ng Bureau of Customs (BOC)-Port of NAIA ang package na naglalaman ng 20 tarantula spider at 8 scorpion na iligal na pinuslit sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City noong Enero 6.

Galing umano ito sa Samut Parakain, Thailand at dineklara bilang mga teaching equipment na walang import permit.

Dinala na ang mga ito sa Department of Environment and Natural Resources Wildlife Traffic Monitoring Unit para sa pangangalaga. (PNA)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.