Una sa Balita

Scientific knowledge susi sa tagumpay ng mga atleta

By
0 6

Kung walang alam sa scientific na paraan  ang mga coaches, hindi makakamedalya sa mga internasyunal na kumpetisyon ang isang atleta kahit gifted at gaano pa katagal ang kanyang training.

Paniniwala ng Philippine Sports Commission ito kaya sa pamamagitan ng Philippine Sports Institute nito’y gagasta rin para sa pag-aaral ng mga coaches sa kapuluan sa bansa upang maiangat ang kanilang mga kaalaman sa sports.

“While we try to strengthen the grassroots program for athletes, we also have to develop the coaches,’’ sabi kahapon ni PSI deputy national training director Prof. Henry Daut. “If a coach doesn’t have the scientific knowledge and technical know-how, chances are his athletes won’t excel.’’

Sa pamumuno  ni national training director Marc Edward Velasco, ginalugad na ng Institute ang tatlong isla sa bansa para maturuan ang mga school-based coach sa performance testing sa speed, agility, vertical jump at strength nang makatukoy ng mga atleta.

 Sinusukatan din ang height nang nakaupo’t nakatayo , tinitimbang at inaalam ang arm span ng mga kabataang may edad 8-14 para malaman kung saan sila maaring maglaro o mapuntahang sports  at makilala ang mga potensyal na atletang mga makikipagtuos sa mataas na antas ng mga palaro.

Huling nilusob ng PSI ang Puerto Princesa City nitong Lunes lang para sa isang linggong talent identification program ang PSI  Sports Mapping Action Research Talent ID para sa Southern Luzon region leg nito. Galing na rin sila sa Tagum City (Southern Mindanao leg ) saka magbi-Vigan City (Northern Luzon), Butuan City (Northern Mindanao) at Tacloban City (Visayas leg) simula sa linggo ito at sa mga parating pa.

“We will expand by region so all coaches will learn the proper way of conducting these tests with reliable and valid results,’’ panapos ni Daut.

Dinugtong naman ni Velasco, na mula sa datos ng mga bata, mababatid kung saan sila sports pwedeng mapunta at doo’y maging magaling. Papapasahan din aniya ng datos ang mga national sports association para makapamili na pwedeng mapabilang din sa mga national training pool members sa hinaharap.