Una sa Balita

School registration aarangkada na

0 369

SISIMULAN na sa Pebrero 1 hanggang Marso 6 ng Department of Education (DepEd) ang maagang registration para sa papasok na mga mag-aaral ng Kindergarten, Grades 1, 7, at 11.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Magtolis-Briones, naglaan sila ng maagang registration para makapaghanda ang kabataan na nagnanais na bumalik sa pag-aaral at upang hindi na sumabay sa pagdagsa ng mga mag-aaral sa araw ng mismong enrollment sa Mayo.

Sa pamamagitan ng DepEd Order (DO) No. 3, s. 2018, o ‘Basic Education Enrolment Policy’, layunin nito na mairehistro nang maaga ang kabataan, partikular na ang mga out-of-school children, walang kakayanan na makapag-aral, may sakit na hindi na nakakapasok ng paaralan subalit nais bumalik para makapag-aral.

“Kailangang mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng kabataan na makapag-aral,” ayon sa kalihim.

Para sa Kindergarten at Grade 1, kailangang magdala ng NSO (ngayon ay PSA) birth certificate, baptismal at barangay certificate. Limang taong gulang ang dapat na edad ng mga papasok ng Kinder habang dapat na pasado sa Kinder ang mga papasok sa Grade 1 na nasa anim na taong gulang.

PEPT passer naman ang kailangan para sa tutuntong ng Grade 7 kabilang na ang ALS A&E E­lementary passer, para naman sa Grade 11, kaila­ngan ay Grade 10 completer, PEPT passer para sa Grade 10 at ALS A&E Secondary passer. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More