Una sa Balita

School bus naaksidente; 18 estudyante nadale

By ,
0 84

Sugatan ang 18 estudyante at driver ng kanilang sinasakyang school bus service nang aksidenteng tumagilid sa kahabaan ng C-5 northbound lane malapit sa McKinley road, Taguig City kahapon ng umaga.

Pawang isinugod sa Taguig Pateros Hospital ang mga estudyante na nasa 7-11-anyos ng Port Bonifacio Elementary School sanhi ng mga tinamong su­gat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ma­ging ang driver ng school bus ay isinugod din sa nasabing pagamutan na si Jason Bernabe, 30, na nagtamo ng galos sa katawan at mga braso.

Sa report ng Taguig Traffic Bureau, dakong alas-6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng C-5 northbound lane malapit sa McKinley road.

Iniimbestigahan naman ng mga awtoridad kung over loaded ang sakay ng school bus service na may plakang TWJ-647 kaya ito tumagilid.

Bukod pa rito ay hindi naman madulas ang kalsada at wala naman itong kasunod na sasakyan upang tumagilid ito nang maganap ang insidente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy