Una sa Balita

Scarborough Shoal bida sa MARHO race

0 297

BINULIGLIG ni Scarborough Shoal ang liyamadong Cerveza Rosas upang angkinin ang korona sa 24th MARHO Breeder’s Championships-Classic noong Linggo ng hapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Pagsalida ng limang kabayong nagbanatan sa event na inisponsoran ng San Miguel Corp. ay kinapitan agad ni Scarborough Shoal ang bumanderang Cerveza Rosas.

Kasama ni Scarborough Shoal na nagpahirap kay Cerveza Rosas si Pinagtipunan.

Pero pagsapit ng kalagitnaan ng karera ay one-on-one na sina Scarborough Shoal at Cerveza Rosas hanggang pagpasok ng huling kurbada.

Sa rektahan ay bakbakan pa rin sa unahan ang dalawa at nakuha na lang ni Scarborough Shoal ang unahan sa huling 100 metro.

Nagwagi si Scarborough Shoal ng may dalawang kabayo ang agwat sa nasegundong Cerveza Rosas.

Nirehistro ng winning horse ang 2:05. 4 minuto sa 2,000-meter race sapat upang hamigin ng may-ari na si Paolo Crisostomo ang P600,000 premyo habang napunta ang P225,000 kay Cerveza Rosas.

Tumanggap naman ng tropeo ang winning horseowner, trainer at jockey sa event na suportado ng Philippine Racing Commissio, (PHILRACOM). (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy