Una sa Balita

Scarborough ‘di natin teritoryo — Locsin

0 423

Nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. na hindi teritoryo ng Pi­lipinas ang West Philippine Sea (WPS) kundi bahagi lamang ng exclusive economic zone (EEZ).

Ito ang iginiit ni Locsin matapos siyang banatan ng mga netizen sa kanyang tweet noong Abril 16 na ayaw niyang maging ‘clam defender’ dahil pagkain lamang ito.

Marami sa mga bumatikos sa kanya ay nagsabing hindi naman ang clam ang isyu, kundi ang ginaga­wang pag-invade sa Scarborough Shoal na bahagi umano ng teritoryo ng Pilipinas.

Buwelta naman ni Locsin, hindi bahagi ng teritoryo ng bansa ang WPS kundi bahagi lamang ito ng EEZ.

“Don’t be. You should love me. It is the idiot opposition that equates our territory (WPS is not territory but EEZ under current UNCLOS which can change) with clams and other eatables. Not me. I will not go down as “the clam and coral guy”. That I leave to them,” diin ng kalihim bilang reaksyon sa banat ng isang Densel John Posadas, na ang tingin lang daw ng kalihim sa teritoryo ay pagkain.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy