Una sa Balita

SC ruling sa quo warranto kokontrahin ng Senado – Koko

By
0 1,856

POSIBLENG kontrahin ng Senado ang magiging desisyon ng Supreme Court (SC) sa quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang binigyang-diin ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na iginiit na isa ito sa posibleng senaryo pagdating sa pagtalakay ng impeachment case laban sa Punong Mahistrado.

Ipinaliwanag ni Pimentel na obligado ang Senado na mag-convene bilang impeachment court kung maiakyat na sa Senado ng Kamara ang Articles of Impeachment.

Kung sa kalagitnaan anya ng impeachment trial ay maglabas ng desis­yon ang SC na sumasang-ayon sa quo warranto laban kay Sereno ay magbobotohan ang mga senador bilang mga hukom kung kikilalanin nila ang resolusyon ng SC.