SC pinasasakay lang ni Duterte

By

Namba-bluff lang si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nitong susunod siya sa desisyon ng Korte Suprema, kahit ibasura Martial Law sa Mindanao.

Ito ang opinyon nina  Magdalo party-list Rep. Gary Alejano at Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat matapos sabihin ni Duterte na ipupull-out nito ang mga sundalo kapag ibinasura ang kanyang Proclamation 216 o Martial Law sa Mindanao at pagsuspinde sa writ of habeas corpus.

“The president is just bluffing. Military operations can continue, which is the case in the past, even without Martial Law,” ayon kay Alejano na dating opisyal ng Philippine Marines.

Ganito din ang paniwala ni Rep. Baguilat.

Hindi aniya maaaring abandonahin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Marawi City hangga’t hindi nakatitiyak na nadurog na nila ang mga terorista.

“In case that happens (na ibasura ng SC ang martial law), troops should still remain in Marawi until the city is cleared of the Maute forces and the threat is contained. Deployment of d military to fight insurgency and terrorism are regular functions of the military,” ayon kay Baguilat.

Ngayong Lunes, nasa ika-29 araw na ang bakbakan ng tropa ng pamahalaan at pinagsamang puwersa ng Maute at Abu Sayyaf Group sa Marawi City simula noong Mayo 23.

SHARE