Una sa Balita

SC nabungian ng 2 mahistrado; JBC naghahanap ng kapalit

By ,
0 361

BINUKSAN na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon para sa posisyon ng Associate Justice sa Korte Suprema na nabakante kasunod ng pagkakahirang kay Chief Justice Teresita de Castro bilang bagong pinuno ng Hudikatura.

Sa anunsiyo na pirmado ni Supreme Court Clerk of Court at JBC Ex-Officio Secretary Edgar Aricheta, itinakda ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon hanggang Oktubre 1, 2018, ganap na alas-4:30 ng hapon.

Mahigpit ang abiso ng JBC na dapat kumpleto ang mga documentary requirement ng lahat ng mga aplikante.

Abante Hiring – IT dep

“[A]ll incomplete applications and/or out of date documentary requirements and those submitted beyond the deadline shall not be gi­ven due course,” babala ng JBC.

Nakatakda ring buksan ng JBC sa mga susunod na araw ang aplikasyon para sa isa pang bakanteng puwesto sa Korte Suprema bunsod naman ng pagkakahirang kay dating Associate Justice Samuel Martires bilang Ombudsman.

Samantala, inanunsiyo naman ng Supreme Court Emplo­yees Association (SCEA) na bilang pag-welcome kay De Castro bilang Punong Mahistrado, maglu­lunsad sila ng “Blue Monday” kung saan ang mga empleyado ng Korte Suprema ay magsusuot ng kulay asul sa pagdalo nila sa flag ceremony ngayong Lunes.

Ito raw ay bilang simbolo na kanilang ikina­lulugod ang pagkaka­talaga kay De Castro bilang ina ng Hudikatura.