Una sa Balita

SC na ang bahala sa SALN ni Sereno – Palasyo

By
0 1,951

IPINAUBAYA ng Mala­cañang sa Supreme Court (SC) ang disposisyon kung paano pagpapasyahan ang mga narekober na kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Inihayag ito ng Palas­yo kasunod ng ulat na nahanap na umano ang siyam na kopya ng SALN ng Punong Mahistrado na nahaharap ngayon sa kasong impeachment at quo warranto petition.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang SC ang higit na nakakaalam kung ano ang gagawin sa mga kopya ng SALN lalo pa at isa ito sa mga isinampang reklamo kay Sereno.

Tumanggi si Roque na magkomento sa tanong kung ang mga nahanap na SALN ay makapagpapahina ba sa reklamo laban kay Sereno.

“The alleged disco­very of missing SALN is should be addressed by the SC, the latter being the tribunal hearing the quo warranto petition,” ayon kay Roque.

Kasalukuyang nasa Kamara ang reklamong impeachment laban kay Sereno habang nasa SC naman ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.