Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

SC may nasilip na unconstitutional sa ATL

0 125

Idineklara ng Supreme Court (SC) na unconstitutional ang dalawang bahagi ng kontrobersiyal na Anti-Terrorism Law.

Sa botong 12-3 sa naganap na en banc session nitong Disyembre 7, sinabi ng SC na ang bahagi ng Sec. 4 ng Anti-Terrorism Law dahil sa “overbroad and violative of freedom of expression”.

“Under Section 4, a person commits terrorism when engaging in acts that intend to endanger someone or to damage public or private property, and certain other actions when the purpose is any of the following: intimidate the public, the government, or any international organization; create an atmosphere of or spread a message of fear; seriously destabilize or destroy the fundamental political economic or social structures of society; and create a public emergency or seriously undermine public safety,” ayon sa SC.

Gayundin, idineklara ng SC na unconstitutional ang bahagi ngSection 25 sa botong 9-6.

Tinukoy ng SC ang “request for designations by other jurisdictions or supranational jurisdictions may be adopted by the ATC (Anti-Terrorism Council) after determination that the proposed designee meets the criteria for resignation of UNSCR (United Nations Security Council Resolutions).”

Habang ang iba naman probisyon na kinuwestiyon ng mga petisyuner ay kinatigan ng SC kabilang na ang kontrobersiyal na 24 araw detensiyon na awtoridad ng authority of Anti-Terrorism Council.

Nalaman na naantala ang ruling dahil sa ilang sa masusing pag-review sa mga boto ng justices.

Magugunitang may 37 petisyon, ang isinampa sa SC laban sa ATL dahil sa paglabag sa karapatang pantao. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.